ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang ginang na isa umano sa mga patient under investigation (PUI) na edad 57-anyos sa isang pribadong ospital sa Zamboanga City.

Ito ay kinumpirma ng City Health office.

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, ang naturang ginang ay may travel history sa United Kingdom at maging sa mga lokal na lugar.

Ayon sa City Health Office ng Zamboanga, ang nasabing PUI ay diabetic at ang sanhi ng kanyang pagkamatay ay acute respiratory disease subalit hindi pa natutukoy ng city health kung ito ba ay nagpositibo sa COVID-19 dahil pending pa ang test result.

Samantala, nagbigay naman ng payo si Dr. Dulce Amor Miravite, City Health Officer ng Zamboanga, na manatailing nasa bahay ang mga residente at sundin ang mga precautionary measures kagaya ng social distancing, proper cough etiquette at iba pa.