Reading Time: 1 minute
Nicole Louise Poblete
Nicole Louise Poblete

LAOAG CITY – Hindi umano lubos akalain ni Nicole Louise Poblete, tubo sa Brgy. Buttong dito sa lungsod ng Laoag na magiging summa cum laude ito sa isang unibersidad sa Bangkok, Thailand.

Sinabi nito na ang layunin niya lamang ay magtapos sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts in Mass Communication, major in Radio and TV Broadcasting sa Ramkmhaeng University Institute of International Studies sa nasabing bansa.

Una rito, nagulat umano ito ng nakita na niya ang kanyang transcript of record at napag-alamang magtatapos ito bilang suma cum laude, dahil hindi niya inakala na may Latin Honors sa naturang unibersidad.

Inihayag niya na pinagpaala umano siya dahil nakamit niya nag pinakamataas na pagkilala sa mga magtatapos sa kolehiyo kahit marami siyang hinarap na pagsubok sa buhay habang nag-aaral.

Iba man aniya nag kultura at pananalita sa nasabing bansa ay nakamit pa rin niya nag gradong 3.9.

Si Poblete ay nag-aral sa natruang unibersidad matapos silang manirahan ang kanyang pamilysa sa Thailand bilang misyonaryo.