-- Advertisements --
image 522

Kinukuwestiyon ngayon ng isang mambabatas ang naging rekomendasyon ng Office of the Ombudsman hinggil laban sa mga opisyal ng kontrobersyal na Pharmally pharmaceutical company.

Ito ay matapos na irekomenda ng Ombudsman na sampahan ng graft charges ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation at iba pang mga government officials na dawit sa naturang isyu.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, nakakapagtaka kung bakit agraft charges lamang ang inirekomenda ng naturang tanggapan na isampa laban sa mga indibidwal na sangkot sa isyu.

Nararapat lamang kasi aniya na kabilang din ang kasong plunder sa mga isinampa sa naturang mga indibidwal lalo na’t aabot sa mahigit 50-million pesos na halaga ng pondo ng pamahalaan ang pinag-uusapan sa nasabing kontrobersiya.

Samantala, sa kabila nito ay welcome naman sa iba pang mambabatas sa Senado ang naging rekomendasyon ng Ombudsman laban sa Pharmally pharmaceutical company kaugnay sa kinasangkutan nitong maanomalyang pagbili ng COVID-19 test kits noong pandemic.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Francis Tolentino, ang aksyon na ito ng Ombudsman ay nagpapahiwatig lamang na kaya nitong kumilos ng “motu propio” kahit wala pang committee report.

Habang sinabi naman ni Sen. Risa Hontiveros ay dapat na magsilbi itong babala sa iba pang magbabalak na kumupit sa pondo ng pamahalaan.