CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw ang labing dalawang panibagong kaso ng COVID 19 sa Isabela na mas mababa sa naitala hahapon na 20.

Dahil dito ay umakyat na sa 347 ang kabuuang aktibong kaso ng virus sa lalawigan habang naitala naman ngayong araw ang 57 panibagong recoveries.

Sa naturang bilang naitala ang tig-tatlong kaso mula sa Bayan ng Alicia at Cauayan City; 2 sa Santiago City habang may tig-iisang kaso ang Delfin Albano, Gamu, Naguilian at San Mariano.

Lima ang mula sa non-APOR, 23 ang health workers, 14 sa hanay ng pulisya at 305 ang mula sa local tranmission.

Patuloy ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na maging maingat at responsable upang manatiling ligtas mula sa virus.

-- Advertisement --