Inaasahang sa susunod na buwan na isisilang ni Isabel Oli ang pangatlong baby nila ng asawa at kapwa celebrity na si John Prats.

Ito’y kasabay ng kanilang anunsyo nitong weekend na babae ang kanilang third baby.

Sinasabing Pebrero pa nagkaroon ng gender reveal party ang mag-asawa bago isapubliko ang muling pagbubuntis noong Marso.

Una nang inihayag ni Oli o Maria Olivia sa tunay na buhay na hindi niya mapigilan na magpasalamat pa rin sa Diyos sa kabila ng pinagdaraanan ng bansa bunsod ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Kung maaalala ikinasal ang celebrity couple noong 2015.

Ipinanganak ni “Mrs. Pratty” ang first child na si Lily Feather noong 2016, habang ang baby boy na si Daniel Freedom ay noong 2018.