iloilo brutal killing
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinilala na ng Bingawan Municipal Police Station ang dalawang mga suspek sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na binata sa Sitio Cubay, Brgy. Alabidhan, Bingawan, Iloilo.

Ang biktima ay si Ian Adorable ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Martin Pugales, hepe ng Bingawan Municipal Police Station, sinabi nito na ang mga suspek ay kinabibilangan ng 10-anyos at 19-anyos na pinsan at kapatid ng itinuturong nobya ng biktima na 13-anyos pa lamang.

Ayon sa hepe, naninindigan ang pamilya ng umano’y nobya na ginahasa ito ni Adorable noong buwan ng Mayo.

Posible umano ani Pugales na napakalaki ng galit ng mga suspek sa biktima dahil sa brutal na pagpatay kung saan sinaksak ng tatlong beses ang biktima sa likod at tatlong beses din sa harap at ginilitan pa ang leeg.

-- Advertisement --

Sa ngayon, patuloy pang hinahanap ng mga pulis ang dalawang suspeks sa krimen.