Reading Time: 1 minute
Iran President Hassan Rouhani
Iranian President Hassan Rouhani/ IG post

Tinawag ni Iranian President Hassan Rouhani na walang kuwenta ang panibagong sanctions na ipinataw ng US sa kalang supreme leader.

Ayon pa kay Rouhani na nagpapakita lamang na nagsisinungaling lamang si Trump sa pahayag nito na nais niyang magkaroon ng pakikpag-usap sa kanila.

Itinuturing pa nito na isang “mentally retarded” ang White House dahil sa ginawa nito.

Sa panibagong sanctions ay tinarget ni Trump ang mga Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei at ilang mga top officials nito.

Kasama sa sanctions ang walong senior commanders ng IRGC’s navy, air force at ground force na pipigil sa kanila para makapag-transaction sa mga international financial institution.

Nagbunsod ang pagpapataw ng sanctions matapos na pinabagsak ng Iran ang surveillance drone ng US.