Reading Time: 1 minute
Saeid Mollaei
Saeid Mollaei

Humingi ng tulong sa International Judo Federation si Iranian Judo champion Saeid Mollaei matapos ang banta na kaniyang natanggap.

Sinabi ng 27-anyos na Iranian athletes tinawagan ito ng isang opisyal ng Iran para huwag ng lumahok sa competisyon sa Tokyo para maiwasan ang posibleng pagharap niya kay Israel judoka Sagi Muki sa final.

Bagamat hindi nito pinansin ang babala ay natatakot na itong umuwi kahit na bigo siya sa torneo.

Sa loob ng ilang taon ay pinagbabawalan ng gobyerno ng Iran na makilahok sa ilang mga international tournaments para maiwasan ang anumang pagharap sa Israel.