Naglunsad ng joint operation gamit ang mga missile at kamikaze drone ang navy at aerospace forces ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran laban sa mga estratehikong base militar ng Estados Unidos sa Kuwait at Bahrain kaninang madaling araw ng Linggo.
Ayon sa opisyal na pahayag ng IRGC na inilabas ng state-run media na Press TV, ang malawakang pagsalakay ay direktang tugon ng Iran sa mga nakaraang opensiba at pag-atake ng militar ng US laban sa kanilang mga pasilidad at puwersa.
Target ng mga drone at missile ang mga installation kung saan nakadestino ang mga sundalong Amerikano sa naturang mga bansa sa Gitnang Silangan.
Nagbabala rin ang pamunuan ng Revolutionary Guards na ang ginawang paglabag ng US sa umiiral na tigil-putukan o ceasefire ay malinaw na sumasalungat sa Clause 1 ng Islamabad Memorandum of Understanding.
Dahil dito, nagbabala ang Iran sa mga nasabing bansa na ang marahas na hakbang ay magdudulot ng tuluyang pagkaantala at pagbagsak ng lahat ng mga kasalukuyang diplomatikong proseso at negosasyon upang maibalik ang kapayapaan sa rehiyon.
















