Reading Time: 1 minute
Iran Map
Iran Map

Ipinagmalaki ng mataas na opisyal ng Iran military na kayang pabagsakin ng anumang eroplano ang kanilang ballistic missiles.

Sinabi ni Maj. Gen. Hossein, namumuno ng Iran’s Revolutionary Guards Corp, na nagkaroon ng pagbabago ang kanilang ballistic missile technology.

Dagdag pa nito na nagkaroon na sila ng ilang missile testing at nakita nila ang kakayahan ng mga ito.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng nangyayaring tension sa pagitan nila ng US kung saan magdadagdag ng 1,000 sundalo ang US sa Middle East bilang kasagutan sa ipinapakitang kilos ng Iran.