Reading Time: 1 minute
Javad Zarif
Iran Foreign Minister Javad Zarif/ IG post

Ikinagalit ng Iran ang tila pagbibintang umano ng US sa naganap na drone attack sa dalawang oil facilities ng Saudi Arabia.

Sinabi ni Iran Foreign Minister Javad Zarif, isang malaking panlilinlang ang naging pahayag ni Secretary of State Mike Pompeo na sila ang nasa likod nang pag-atake.

Aniya, ang pagbibintang sa Iran ay hindi magtatapos ng nasabing kaguluhan sa Yemen.

Nauna rito sinabi ni Pompeo na walang ebidensiya na nanggaling ang drone sa Yemen at sa halip ay inakusahan ang Iran.

saudi oil attack