iran pm zarif
Iran PM Zarif

Nagbabala si Iranian foreign minister Javad Zarif ng giyera sakaling maglunsad ng pang-aatake ang US o Saudi Arabia.

Sinabi ni Zarif na iniiwasan ng Iran ang anumang kaguluhan subalit hindi sila mag-aatubiling lumaban kung sila ay atakihin.

Patuloy pa rin nitong pinabulaanan na may kinalaman ang Iran sa nangyaring pang-aatake sa oil plantation ng Saudi Arabia.

Nauna rito inilabas ng Saudi Arabia ang mga nadiskubreng debris na ginamit sa pang-aatake sa Saudi Aramco kung saan makikita na galing ito sa Iran.