-- Advertisements --

Hinihimok ng isang international human rights group ang International Criminal Court (ICC) na ituloy na ang pag-imbestiga sa drug war at umano’y crimes agains humanity ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang statement, inihayag ni International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) chairman Peter Murphy ang kanilang “extreme disappointment” sa ICC kasunod nang pagsuspinde nito ng kanilang imbestigasyon sa umano’y mga krimen na ginawa ng Duterte administration sa kabila na rin ng malinaw na mga ebidensyang nagtuturo hinggil sa mga nagawang crimes against humanity.

“Any suspension or delay is an absolute betrayal of those brave individuals who came forward at great personal risk to provide evidence and testimony regarding these alleged crimes,” ani Murphy.

Ito ay matapos na sabihin naman ni ICC Chief Prosecutor Karim Khan na “temporarily suspended” muna ang kanilang imbestigasyon kasunod nang apela ng Pilipinas sa ICC.

Pero iginiit ni Murphy na malinaw naman sa mga findings ng First ang Second Reports ng Independent International Commission of Investigation in Human Rights Violations in the Philippines ang mga “flaws and failure” ng domestic remedies.

Bukod dito, dalawang pulis pa lamang ang napapanagot sa 6,011 cases na naitala hanggang sa katapusan ng 2020.