Hindi pa rin binibitawan ng PNP ang anggulong inside job sa naganap na Metrobank Binondo branch robbery.

Sinabi Manila Police District (MPD) chief Police Colonel Vicente Danao, na lahat ng anggulo sa nasabing insidente ay kanilang sinisilip.

Ilan sa mga dito ay ang pagkuha ng mga suspek ng mga nakakabit na CCTV bukod pa sa malayang nakapasok ang mga suspek kahit sarado pa ang nasabing bangko.

Kumakalap na rin sila ng mga impormasyon para tuluyang maaaresto ang mga suspek.

Nauna rito nag-alok ng P1-milyong pabuya si Manila Mayor Isko Moreno para ituro ng isa sa mga suspek ang kasamahan nito.

Magugunitang pinasok ng hindi bababa sa pitong katao ang pumasok sa bangko ilang minuto bago ito magbukas at tinangay hindi pa malamang halaga ng pera.