Reading Time: 1 minute

DAGUPAN CITY – Pinaulanan ng bala ang inirereklamong halos dalawang ektaryang poultry farm sa Barangay Lunek sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Sunod-sunod umanong putok ng baril ang narinig sa lugar.

Bagamat walang nasaktan sa pamamaril ay naalarma naman ang may ari ng manukan.

Apat na basyo ng kalibre .45 baril ang narekober sa lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, una nang inireklamo ang manukan dahil sa dami ng langaw sa barangay kaya ito ang nakikitang motibo ng pananakot.

Aminado ang may ari ng manukan sa pagdami ng langaw pero may ginagawa na silang aksyon para ito ay masolusyunan.