BCDA DOTR BUILD BUILD
Build, build, build projects

Hinimok ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang economic at infrastructure team na bilisan ang infrastructure projects ng pamahalaan para mabawasan ang negatibong epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa, partikular na sa tourism industry.

Inaasahan kasi na ang nakalinyang construction projects sa ilalim ng Build, Build, Build program ng pamahalaan ay magbubunga ng maraming trabaho sa iba’t ibang bahagi ng bansa at mapapalakas din ang local economy.

Naniniwala si Cayetano na kayang saluhin nito ang posibleng “temporary displacement” sa tourism-related jobs sa gitna ng banta ng outbreak ng Coronavirus Disease.

Sa pagdinig kamakailan ng House Committee on Economic Affairs at Tourism, sinabi ng Department of Tourism na inaasahang aabot sa P42.9 billion ang ikakalugi ng local tourism industry mula Pebrero hanggang Abril dahil sa pangambang dulot ng COVID.

Samantala, hinimok din ng lider ng Kamara ang local government units na makipag-ugnayan sa national government hinggil sa mga usapin na may kaugnayan sa budget alignment upang maiwasan ang delay sa implementasyon ng mga proyekto.

-- Advertisement --