-- Advertisements --

Posibleng papalo sa 2.8% hanggang 3.6% ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ngayong Pebrero.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mas mataas na presyo ng bigas, karne at isda ay maaaring makapagpataas sa inflation gayundin ang kamakailang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at singil sa kuryente.

Subalit, paliwanag ng BSP na maaaring mapanatili namang mababa ang inflation bunsod ng mas mababang presyo ng gulay, prutas at asukal.

Matatandaan na nakapagtala ng 2.8% na inflation rate noong Enero sa gitna ng mas mabagal na pagtaas sa presyo ng mga pagkain, maliban sa bigas na nakitaan ng 22.6% na inflation.