-- Advertisements --

Bumagal ang inflation o ang bilis o bagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Enero ng kasalukuyang taon.

Iniulat ni Philippine Statistics Authority chief at National Statistician Claire Dennis Mapa ngayong araw na bumagal sa 2.8% ang inflation noong unang buwan ng 2024 kumpara sa 3.9% na naitala noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Ito ay pasok sa naging pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 2.8% hanggang 3.6%.

AV PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa

Matatandaan na naitala ang pinakamataas na inflation noong Enero 2023 na nasa 8.7% mula sa nakalipas na 14 na taon dahil sa labis na pagsipa noon ng presyo ng sibuyas at asukal.