-- Advertisements --
Bumagal ang ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Agosto batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isinagawang virtual press conference, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang August inflation ay naitala sa 2.4 percent kung saan mas mabagal ito 2.7 percent na naitala noong Hulyo.
Ayon kay Mapa, ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation sa buwan ng Agosto 2020 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.
Inihayag ni Mapa na bumagal ang annual rate ng Food and Non-Alcoholic Beverages sa 1.8 percent mula sa2.4 percent noong Hulyo.