Pumalo na sa 13,777 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DoH), 180 ang nadagdag dito sa nakalipas lamang na isang araw.

Ang mga nasawi naman ay 863 na, makaraang may anim pang panibagong binawian ng buhay.

Masaya namang ibinalita ng health department na nagkaroon ng 85 bagong gumaling sa COVID-19, kaya pumapalo na ngayon sa 3,177 ang mga naka-recover, matapos ang gamutan at quarantine procedure.