Pumalo na sa 8,112,577 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 3,405,775 (98%) ang mayroong mild condition at 54,570 (2%) serious o critical condition.

Ang Estados Unidos pa rin ang nangunguna sa mga bansang may kaso ng COVID-19, kung saan 2,182,950 ang nagpositibo at 118,283 naman ang nasawi.

Habang sa buong mundo ay 439,050 na ang mga binawian ng buhay.

Pero patuloy din naman ang pagdami ng mga gumagaling na mayroon nang 4,213,182.