-- Advertisements --

Umaabot na sa 6,371,661 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 3,035,781 (98%) ang mayroon mild condition at 53,403 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.

Nangunguna pa rin sa dami ng COVID cases ang USA, pangalawa ang Brazil, pangatlo ang Russia, pang-apat ang Spain at panglima ang United Kingdom.

Samantala, ang mga nasawi sa buong mundo ay 377,552 na, habang may 2,904,925 na naka-recover, matapos ang gamutan at quarantine procedure.