Umakyat na sa 102,235 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 34,963 o 85 percent ang nasa mild condition at 6,153 o 15 percent naman ang serious o critical condition.

Ang mga nasawi naman ay umakyat na sa 3,497.

Pinakamarami ay nagmula pa rin sa Mainland China.

Habang may mga naka-recover naman na aabot na sa 57,622.