Nadagdagan pa ang mga naitalang infected ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Sa record ng health officials, aabot na sa 198,735 ang mga nagpositibo sa deadly virus.

Ang 101,552 (94%) sa mga biktima ay nasa mild condition, habang 6,415 (6%) naman ay serious o critical condition.

Sa kasalukuyan mayroong 7,989 na bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.

Samantala, nasa 82,779 naman ang naka-recover mula sa virus matapos ang gamutan at pagsasailalim sa quarantine procedure.