Umakyat na sa 8,264,399 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa naturang bilang, 3,442,175 (98%) ang nasa mild condition at 54,594 (2%) naman ang nasa serious o critical condition.

Sa listahan ng mga bansang may kaso ng COVID-19, Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming infected na pumapalo na sa 2,208,400 at 119,132 naman ang mga binawian ng buhay.

Habang ang mga nasawi sa buong mundo ay umaabot na sa 446,135.

Ang mga naka-recover naman ay 4,321,495, matapos ang gamutan at quarantine procedure.