Umaabot na sa 10,402,897 ang bilang ng mga infected ng COVID-19 sa buong mundo.

Ang 4,178,456 (99%) sa kanila ay nasa mild condition at 57,531 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.

Sa listahan naman ng mga bansa, Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming nasawi na umakyat na sa 2,681,802, habang ang mga namatay ay 128,778.

Sumampa naman sa 507,523 ang mga nasawi sa buong mundo, mula noong unang araw na ma-detect ang pagkalat ng sakit.

Samantalang naka-recover ang 5,659,387, matapos ang gamutan at quarantine procedure.