Ipinagpaliban ng organizers ng World Golf Hall of Fame ang kanilang pagbibigay ng patimpalak.

Inilipat na lamang ito sa 2022 imbes na sa orihinal na plano na 2021 dahil sa coronavirus pandemic.

Kabilang sana na makakasama sa inductiong bilang Hall of Famer ay si US golf star Tiger Woods at LPGA winner Susie Maxwell Berning, dating PGA Tour Commissioner Tim Finchem at ang namayapang Marion Hollins.

Ang mga honorees na inanunsiyo ngayong taon ay ma-iinduct bilang Hall of Fame class of 2022.