JAKARTA – Idineklara ngayon ni Indonesian President Joko Widodo ang kanyang pagkapanalo sa ginanap na halalan sa kanilang bansa.

Katambal ni Widodo sa presidential race ang Islamic cleric na si Ma’ruf Amin at kalaban nila ang dating military general na si Prabowo Subianto.

Ayon kay Widodo, batay sa unofficial results ay nakuha na raw ng kanyang ticket ang 54% ng popular vote.

“We must wait for the official result. But 12 pollsters have given clear results … we convey that the Jokowi-Maruf ticket got 54.5 per cent of the vote while Prabowo got 45.5 percent,” wika ni Widodo sa isang press conference.

Sa kabilang dako, iginigiit din ni Prabowo na siya ang nagwagi, base sa internal polls na nagpapakita na nalikom daw nito ang 62% ng mga boto.

-- Advertisement --