Patuloy na inaalam ng Indonesian authorities kung may nasaktan mula sa magnitude-6.5 na lindol sa isla ng Maluku nitong umaga.

Batay sa datos ng US Geological Survey, naitala ang pagyanig sa 37-kilometers mula dalampasigan sa bayan ng Ambon.

May lalim naman daw itong 29-kilometers.

Sa ngayon wala namang inilabas na tsunami alert ang mga otoridad.(AFP)