BUTUAN CITY – Nagsagawa ng indignation rally sa may Guingona Park ang mga tao nitong lungsod ng Butuan sa pangunguna ng Butuan City Police Office upang kondenahin ang patuloy na paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng New People’s Army.

Ito’y itinapat sa pagdiriwang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kanilang ika-51 anibesaryo.

Ayon kay BCPO spokesman PLt. Abel Bulawan, sinalihan ito ng iba’t ibang sektor ng komunidad mula sa kabataan, professionals, academe, at iba pa na nadisturbo na sa ginawang terorismo ng nasabing grupo.