Arestado ang isang freelance journalist matapos mahulihan ng baril habang papasok sa Hotel kung saan naka billet ang ilang mga delegates para sa ASEAN Summit.

Kinilala ng arresting officer na si PO1 Adrian Jack Ancheta, ang naarestong indibidwal na si Jeffrey Datuin, 24-anyos.

Nahulihan si Datuin ng caliber .22 hand gun na nakita sa loob ng kaniyang back pack kasama ang ilang ammunition.

Bandang alas-3:35 ng hapon kahapon ng maaresto si Datuin habang nag check in ito sa isang hotel sa Pasay City.

Kasalukuyang nasa police custody na si Datuin at tumangging magbigay ng anumang pahayag.

-- Advertisement --

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 or Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Datuin.