Inaresto ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division isang indibidwal sa Mandaluyong City dahil sa kinakaharap nitong patong-patong na reklamo.
Kinilala ang suspect na si JERMIAH JAIME VILLANUEVA VERGARA .
Mahaharap ito sa kasong Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code , na may kaugnayan sa Section 6 ng R.A. 10175 o kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012; Possession of Dangerous Drugs, sa ilalim ng Article II, Section 11 ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Possession of Drug Paraphernalia sa ilalim ng Article II, Section 12 ng R.A. 9165.
Sa naging salaysay ng complainant , nakilala nito ang suspect sa isang dating application.
Nakatanggap ito ng private message mula kay VERGARA na nag-iimbita sakanya para sa isang pulong para sa business proposal.
Pumayag ang complainant sa naturang proposal at nagbigay ito ng Php350,000.00 bilang puhunan.
Ito ay katumbas ng 10% na halaga ng Condominium na bibilhin at gagamitin para sa negosyo.
Nangako umano si VERGARA sa Complainant na tatanggap siya ng hindi bababa sa 10% ng kita na lilitaw ng nasabing Condominium.
Bukod dito ay marami pang nakuha ang suspect sa complainant.
Iniharap na rin si Vergara para sa inquest proceedings sa harap ng Inquest Prosecutor ng Mandaluyong City para sa mga nabanggit na paglabag sa batas.