Narendra Modi
Narendra Modi/ IG post

Nanumpa na sa kaniyang pangalawang pagkakataon si Indian Prime Miniser Narendra Modi.

Ito ay matapos ang landslide victory niya sa katatapos lamang halalan.

Sinaksihan ng kaniyang mga mamamayan at ilang mga matataas na opisyal ng bansa kabilang ang mga Bollywood stars.

Kasabay din nito ay nanumpa sa puwesto ang ilang itinalaga nito sa gabinete.

Nakakuha kasi ang partido nito ng Bharatiya Janata ng kabuuang 354 na upuan sa 545 member lower house.