Kinuha ni Indian boxing sensation at undefeated super middleweight contender Vijender Singh si Freddi Roach bilang bago niyang trainer.

Lumipat na rin ang 33-anyos na si Singh sa Southern California bilang kaniyang training base.

Hindi pa inilalabas ang magiging kalaban nito sa bilang undercard sa laban nina Vasily Lomachenko at Anthony Crolla sa Staples Center sa darating na Abril 12.

Hindi nito maipaliwanag ang kaniyang kasabikan na sumailalim sa pagsasanay ni Roach.

Malaki kasi ang paghanga nito bilang trainer dahil sa dami ng mga naisanay na mga malalaking pangalan gaya ni Manny Pacquiao.