Reading Time: 1 minute
Priyanka Chopra
Priyanka Chopra/ IG post

Binabatikos ngayon ng mga netizens ang Indian actress na si Priyanka Chopra matapsos na magpahayag ng suporta sa Indian armed forces na giyerahin ang Pakistan.

Marami ang nagsabi na hindi dapat basta magbitiw ng pahayag ang actress dahil itinalaga ito bilang UNICEF Goodwill Ambassador for Peace.

Magugunitang ipinahayag ng actress na suportado niya ang nuclear attack na gagawin ng India sa Pakistan.

Patuloy kasi nagkakaroon ng giyera ang dalawang bansa dahil sa pinag-aagawang Kashmir region.