-- Advertisements --

Sinibak ng India ang kalahating staff o nasa 35 ng Pakistan embassy sa New Delhi dahil sa akusasyon ng pang-iispiya at pakikipag-ugnayan sa terorista.

Dahil dito ay babawasan din ng India ang kanilang staff sa embassy sa Islamad, Pakistan.

Naging mainit ang relasyon ng dalawa matapos na sibakin ng India ang dalawang Paksitani staffers tatlong linggo na ang nakakalipas.

Inaakusahan kasi ang mga ito sa pagkuha ng impormasyon sa galaw ng mga sundalo ng India.

Pinatawag na rin nila si Pakistani Charge d’Affaires Syed Haider Shah para malinawan ang akusasyon.

-- Advertisement --