-- Advertisements --
Pinayagan na ng gobyerno ng India ang pag-export ng 295,000 metrikong tonelada ng non-basmati white rice sa Pilipinas.
Ito ang pinakamataas na alokasyon ng rice exports ng India mula sa 7 bansa kung saan pinayagan ang pag-export ng India.
Sinabi naman ni Philippine Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na makikipagtulungan sila sa gobyerno ng India para payagan ang pag-aangkat para sa humanitarian grounds.
Ang bansang India nga ang isa sa pinakamalaking rice exporters ng bigas sa buong mundo na kamakailan lamang ay ipinagbawal ang ilang overseas sales ng kanilang bigas para mapababa ang local na presyo.