Iniimbestigahan na ng mga wildlife officials sa India ang pagkamatay ng buntis na elepante matapos na ito ay pakainin ng pinya na may pampasabog.

Nagdulot ng pagkondina ang ginawa ng hindi pa nakilalang suspek sa elepante sa Kerala.

Pinilit pa ng mga beterenaryo na iligtas ang nasabing hayop subalit dahil sa sugat nito ay hindi na nito nakayanan ang sakit.

Sinabi ni Environment Minister Prakash Javadekar, na mayroon ng dalawang suspek ang kanilang iniimbestigahan na sinasabing nasa likod ng insidente.

Umaabot sa 27,000 na wild elepants ang matatagpuan sa India at 2,500 naman ang inaalagaan ng ilang mga negosyante.