Lt. Gen. Felimon Santos Jr AFP
Lt. Gen. Felimon Santos Jr.

Prayoridad umano ni incoming Armed Forces of the Philippine (AFP) chief of staff Lt. Gen. Felimon Santos Jr. na tapusin ang problema sa local communist sa bansa.

Ayon kay Santos, sa pamamagitan ng inilabas na Executive Order 70, makakamit nito ang kaniyang target na tapusin ang problema sa insurgency sa pamamagitan ng whole government approach.

Sinabi ni Santos na sa isyu naman ng West Philippine Sea, itutuloy lamang nito ang polisiya ng gobyerno.

Si Santos ang kasalukuyang pinuno ng Eastern Mindanao Command na nakabase sa Davao City.

Pero bago naging commander ng EastMinCom, siya ang pinuno ng Philippine Army 7th Infantry Division sa Nueva Ecija.