Nagluluksa ngayon si Geneva Cruz dahil sa pagpanaw ng kaniyang inang si Marilyn matapos na dapuan ng COVID-19.

Sa kaniyang Instagram account nagpost ito ng larawan na kasama niya ang ina.

Noong nakaraang mga linggo ay nagpost pa ang singer sa pinagdadaanan ng ina na bumaba ang oxygen level nito at ito ay dinala pa sa pagamutan.

Nagsagawa rin ito ng fund raising para sa kaniyang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng online jamming.