-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakaburol na sa ngayon ang isang ina matapos na binawian ng buhay dahil sa pagkakalunod sa ilog dahil sa pagsagip sa pitong taong gulang na anak nito sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Kinilala ni Police Captain Roberto Trinidad, hepe ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station, ang biktima na si Nancy Cantem, 33, na residente ng Barangay Kiadsam, SNA, Sultan Kudarat.

Ayon kay Trinidad, tumawid sa ilog ang biktima kasama ang kanyang anak na pitong taong gulang kung saan dumaan sila sa tulay ngunit nadulas ang anak nito at nahulog sa ilog dahilan upang sagipin niya ito.

Ngunit sa halip na dalawa silaang makaligtas ay hindi nakayanan ng biktima ang malakas na agos ng tubig hanggang sa tinangay ito at nalunod.

Maswerte namang nakaligtas ang kanyang anak dahil sa tulong ng isang magsasaka na nakakita sa insidente.

-- Advertisement --

Ilang oras din ang isinagawang rescue operation upang mailigtas ang biktima ngunit bangkay na ito ng matagpuan.