ROXAS CITY – Improvised bladed weapon at ilang gamit katulad ng binali na toothbrush, kutsara, tinidor screw driver, DVD player at iba pa ang nakumpiska ng mga personnel ng Capiz Rehabilitation Center sa isinagawang Oplan Galugad sa facilidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Arjuna Yngcong, provincial jailwarden ng CRC, sinabi nito na walang baril o droga na nakumpiska ang mga personnel ng tanggapan sa kanilang operasyon.

Aminado rin ang opisyal na may permiso sa kanya ang paggamit ng DVD ng mga bilanggo sa kanilang selda ngunit mahigpit niyang pinagbabawal ang panonood ng mga x-rated films.

Samantala inamin ni Yngcong na umabot sa 150 na mga inmates ng CRC ang nakalabas sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), ngunit sinabi nito na hindi heinous crimes ang kaso ng mga ito.