PNP SPOKESMAN BANAC
Col. Banac

Bini-verify na ngayon ng Philippine National Police (PNP) kung may katotohanan ang naging rebelasyon ni Senator Panfilo Lacson sa kaniyang priveledge speech na isang Jacky Co ang nasa likod ng bilyong halaga ng shabu shipment nuong Marso.

Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac, wala pa silang natatanggap na ulat tungkol kay Zhijian Xu alyas Jacky Co na nasa likod umano sa pagpasok ng P1.8 Billion na shabu shipment sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Banac, makikipag ugnayan sila sa Interpol at aalamin kung wanted at nasa watchlist nga ba si Co.

Tiniyak din ng PNP na oras na makumpirma ito ay agad nila itong ipaalam sa senado.

Inakasuhan din ng Senador ang Chinese national na sangkot sa kidnapping sa Pilipinas na nanghihingi ng ransom sa pamamagitan ng wire transfer o offshore banking.