Pinawi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez ang pangamba ng publiko sa impact ng coronavirus disease (COVID-19) sa ekonomiya ng ating bansa.

-- Advertisement --

Ayon kay Lopez, lumalabas sa monitoring nila na one percent lamang ang epekto nito sa import at export ng mga produkto sa ating bansa.

Halos hindi umano ito mararamdaman at maaari ring mapunan sa paglakas ng ibang aspeto ng business industry.

Pagbabahagi pa ng kalihim, sa Wuhan City, na siyang epicenter ng COVID-19 ay nagagawa pa rin ng mapalago ang ekonomiya at ito ang nais tularan ng ating economic managers.