Reading Time: 1 minute

Magsisimula na ang isasagawang mass deportation sa Estados Unidos matapos maudlot ng operasyon noong nakaraang buwan dahil sa hindi inaasahang leakage ng detalye sa media.

Hindi naman itinuturing ni US President Donald Trump na isang raid ang gagawing ito ng immigration officers, aniya dapat lang daw na tanggalin sa Estados Unidos ang mga migranteng iligal na nakapasok sa bansa.

Sinigurado naman ng mga US migrant advocates na nakahanda ang kanilang komunidad sa oras na pumunta ang mga immigration officers sa kani-kanilang mga tahanan.

Target ng U.S Immigration and Customs Enforcement (ICE) na hulihin ang mga undocumented migrants bilang hakbang na rin upang hikayatin ang ilan pang pamilya na susubukin tumawi8d sa southwest border.