KAPA Kabus padatoon Pasto Joel Apolinario

Nag-isyu na rin ang Department of Justice (DoJ) ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa walong opisyal ng KAPA investment scam.

Dahil dito, ayon kay DoJ Usec. Markk Perete, inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang Bureau of Immigration (BI) na i-monitor ang galaw ng walong opisyal sa mga entry at exit points ng bansa.

Ito ay para maiwasang makalabas sa bansa ang mga opisyal ng KAPA.

Ito ay ang mga KAPA incorporators na sina:

  1. Joel A. Apolinario
  2. Junnie G. Apolinario
  3. Nonita S. Urbano
  4. Nelia V. Nino
  5. Maria Pellea B. Sevilla
  6. Jouelyn A. del Castillo
  7. Cristobal R. Barabad
  8. Joji A. Jusay

KAPA officers:

  1. Joel A. Apolinario
  2. Reyna L. Apolinario
  3. Modie S. Dagala
  4. Benigno D. Tipan Jr.
  5. Marnilyn M. Maturan
  6. Ricky A. Taer
  7. Joji A. Tusay
  8. Margie A. Danao

Maliban sa KAPA, kasama rin sa inilabas na ILBO ang mga opisyal ng Alabel-Maasim Credit Cooperative (ALAMCCo).

Ang mga ito ay sina:

  1. Jerson A. Cagang, Chairman
  2. Cynthia A. Gomeri, Corporate Secretary
  3. Ailene D. Mancoa, Chief Finace Officer