Reading Time: 1 minute
IMF head Christine Lagarde
IMF head Christine Lagarde / IG post

Nakatakdang magbitiw sa puwesto si International Monetary Fund (IMF) director Christine Lagarde.

Ang kaniyang desisyon ay kasunod ng nominasyon niya bilang maging European Central Bank (ECB) head.

Epektibo ang kaniyang pagbibitiw sa IMF mula Setyembre 12.

Ang dating French cabinet minister ay namumuno na sa IMF mula pa 2011.

Gumagawa na ng hakbang ang executive board para mamili ng bagong managing director.