Reading Time: 1 minute
Screenshot 2019 06 07 16 31 23
DoH Sec Duque

DAGUPAN CITY- Puspusan parin hanggang sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at National Bureau of Investigation (NBI) ang patungkol sa ‘ghost dialysis patient’ scam.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, kaugnay ng nasabing isyu.

Aniya, may kahabaan ang naturang proseso lalo at maraming sangkot sa korupsyon maliban sa WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp.

Sa ngayon ayon pa kay Duque, puspusan ang ginagawa nilang koordinasyon upang mapabilis ang imbestigasyon.

Kung matatandaan, isiniwalat mismo ng dating mga tauhan ng WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp. na patuloy umanong naniningil sa Philhealth ang kanilang kompanya para sa dialysis kahit namatay na ang pasyente.