art

BUTUAN CITY – Plano ng lokal na pamahalaan ng Butuan City na gagawing honorary ng Butuan ang Ilonggong leader ng Balangay Voyage na si Art Valdez.

Ito ang hiling ni Butuan City Mayor Ronnie Vicente Lagnada sa sangguniang panlungsod bilang pagkilala sa pagsisikap ni Valdez na i-materialize ang ilang daang taon nang nawawala sa paglalayag na mga bangalay boats matapos itong ipinapa-ban ng mga Espanyol sa kasagsagan ng pananakop nila sa Pilipinas.

Ang mga balangay boats ay siyang nagkumpirma sa mga trade at commercial activities ng mga sinaunang Butuanons sa Asya noong mga 10th at 11th centuries at sya ring mode of transportation ng mga taga Butuan noong panahong hindi pa nasasakop ng Espanya ang bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, pinuri ng mayor ang pagsisikap na ginawa ni Valdez dahil pino-promote nito ang nasabing mga bangka sa kabila ng katotohanang taga-Iloilo City ito.

Dagdag pa ng mayor, hindi matatawaran ang pagsisikap ng grupo ni Valdez, ma-realize at magawa lang ang balangay boat na ilang taon nilang ginawa kung kaya’t dapat kilalanin at saluduhan ng mga Butuanons.

Kaugnay nito’y nangako si Mayor Lagnada na susuportahan ang paglalayag nina Valdez gamit ang mga balangay boats.

Ang Balangay Voyage ng Raya Siyagu at Raya Kulambo ay kasama sa official program ng National Quincentennial Committee (NQC) ng Pilipinas at simbolikong paglalayag ay para sa 500 araw na countdown para sa commemoration o pagkilala ng ika-500 anibersaryo ng “Victory in Mactan” at ng unang “Circumnavigation of the World,”