Reading Time: 1 minute

ILOILO CITY – Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Carles, Iloilo dahil sa epekto ng masungit na lagay ng panahon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Siegfriedo Betita, sinabi nito na halos isang linggo na ang pag-ulan dahil sa weather disturbance kung kaya’t apektado ang kabuhayan sa isla Gigantes.

Aniya, ang mga residente sa isla Gigantes ay nagugutom na dahil hindi ang mga ito makapunta sa bayan para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Maliban dito, naantala naman ang pagbibigay ng relief goods sa mga residente dahil pinagbabawalan pa ang pagbiyahe ng pump boat.